Mula 2023, karamihan sa mga kamag-anak sa pagitan ng edad na 30 na taon hanggang 70 taon ng isang tax payer ay hindi na maaring isali para sa dependent deduction maliban kung magpapadala ng hindi bababa sa 380,000 yen sa loob ng isang taon.

Mula 2023 ang mga kamag-anak na nasa 30 taong gulang hanggang 70 taong gulang ay dapat (1) Mga taong may kapansanan (2) Nag-aaral sa ibang bansa (3) Tumatanggap ng 380,000 yen o higit pa bawat taon upang maisali para sa dependent deduction. Sa madaling salita, kinakailangan magpadala ng hindi bababa ng 380,000 yen bawat taon para maisali ito para sa dependent deduction.
Mangyaring mag-scroll pababa para sa karagdagang impormasyon.

May panibagong inilabas ang National Tax Agency dito sa Japan patungkol sa pag-apply ng pagbabawas para sa pangangalaga sa kamag-anak (o exemption for dependents) na hindi residente sa Japan.
Ang panibagong rules na ito ay inilabas noong Oktubre 2022 at epiktibo simula sa Enero 2023.
Ang pag-apply sa dependent para sa kamag-anak na hindi residente ay kailangan magsumite o maipakita sa employer ang mga sumusunod;
- Mga dokumentong may kaugnayan sa mga kamag-anak
- Mga dokumentong may kaugnayan sa pagpapadala ng pera
- Mga dokumentong may kaugnayan sa pagpapadala ng 380,000 yen
- Mga dokumentong nagpapatunay na nag-aaral sa ibang bansa (Visa, etc.)
Mga kailangan dokumento para sa mga dependent
- 16 na taong gulang hanggang 30 na taon gulang at 70 na taong gulang pataas
- Kailangang magsumite ng “dokumentong may kaugnayan sa mga kamag-anak” at “dokumentong may kaugnayan sa pagpapadala ng pera”
- 30 na taong gulang hanggang 70 na taon gulang
- Studyanteng nag-aaral abroad
- Kailangang magsumite ng “dokumentong may kaugnayan sa mga kamag-anak” at “dokumentong nagpapatunay na nag-aaral sa ibang bansa (Visa, etc.)”
- May disability
- Kailangang magsumite ng “dokumentong may kaugnayan sa mga kamag-anak” at “dokumentong may kaugnayan sa pagpapadala ng pera”
- Mga tao na nasa iyong pangangalaga
- Kailangang magsumite ng “dokumentong may kaugnayan sa mga kamag-anak” at “dokumentong may kaugnayan sa pagpapadala ng 380,000 yen”
- Studyanteng nag-aaral abroad
Paalala: Ang mga hindi naibanggit sa itaas ay hindi kwalipikadong e-apply para maging dependent.
Para naman sa spousal exemption, espesyan na exemption para sa asawa at may disability ay kailangan magsumiti ng mga dokumentong may kaugnayan sa mga kamag-anak at dokumentong may kaugnayan sa pagpapadala ng pera.
Sources: https://www.nta.go.jp (0022009-107_01.pdf (nta.go.jp)
お問い合わせ:ISHIDA Tax Firm タガログ語専用LINEにて

