Tungkol sa Kumpanya

Nagbibigay kami ng mga serbisyo para sa buwis at mga legal na dokumentasyon dito sa Japan.

Ang mga pag-audit ng mga Certified Public Accountant dito sa Japan ay kinakailangan lamang para sa mga sumusunod:

  • Mga malalaking korporasyon (na may kapital na 500 milyong yen o higit pa o mga pananagutan na 20 bilyong yen o higit pa)
  • Mga Espesyal na Korporasyon

Maliban sa mga uri ng kumpanyang nabanggit, kasama ang aming Certified Tax Accountant, nag-aalok kami ng mga serbisyo sa aming mga kliyente para sa tulong ng (a) pagsasara ng mga account, (b) paghahanda ng mga dokumento sa buwis, at (c) pagsumite ng mga dokumento sa tanggapan ng buwis. Nag-aalok din ang aming kompanya ng mga serbisyo sa paghahain ng tax return para sa mga mga may solong nagmamay-ari ng isang kompanya.

Gaya ng idinidikta ng batas dito sa Japan, ang “tax representation,” “preparation of tax documents,” at “tax consultation” sa Japan ay ipinagbabawal na gawin ng sinuman maliban sa isang Certified Tax Accountant, may bayad man o wala. Ang mga lumalabag ay maaaring arestuhin at ang mga humihiling ng mga naturang serbisyo ay sasailalim din sa mahigpit na imbestigasyon.

Ang sistema ng buwis dito sa Japan ay palaging napapailalim sa pagbabago bawat taon, kaya hindi rin maaasahan na umasa sa impormasyong makikita sa internet.

Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa pagbubuwis at mga legal na dokumentasyon dito sa Japan, mangyaring makipag-ugnayan sa amin.

Kaakibat din namin ang tanggapan ng Japan Immigration bilang isang kwalipikadong Abogado sa Imigrasyon. Ang pag-apply para sa status of residence (authorization, extension, o change of status) ay medyo madali kung mayroon kang mahusay na Japanese communication skill, kung hindi, maaari itong maging isang mahirap na proseso.

Higit pa rito, hindi tulad ng mga aplikasyon para sa akreditasyon, ang mga aplikasyon para sa pagpapalawig at pagbabago ng visa ay hindi pinapayagang ihain sa ngalan ng kompanyang pinagtatrabahuan. Sa pamamagitan ng pagkuha ng Immigration Lawyer, maaari naming pangasiwaan ang buong proseso ng aplikasyon para sa status of residence nang hindi mo kailangang pumunta o mga miyembro ng iyong pamilya sa Immigration Bureau.

Maaari ka rin naming tulungan sa pag-apply para sa mga panimulang pautang mula sa Japan Finance Corporation at Credit Guarantee Associations. Ang aming mga tax accountant ay maaaring gumawa ng paniunang hakbang upang mapadali ang proseso ng pagpopondo. Maaari naming ipakilala ang mga espesyalista tulad ng mga Judicial Scrivener para sa incorporation at labor, at Social Insurance Attorney para sa social insurance coverage, atbp., sa isang lugar kung kinakailangan, pati na rin ang tulong sa mga sulat sa Japanese. Pakitandaan na ang mga subsidyo sa pagsasaayos sa trabaho, mga subsidyo sa pagsulong sa karera, atbp. ay negosyo ng mga social insurance at mga consultant sa paggawa.

Inaasahan naming makipagtulungan sa iyo sa iyong negosyo sa Japan.


ISHIDA Certified Public Tax Accountanting Firm / Administrative Scrivener Office / ISHIDA Japan Immigration Law Firm

Kentaro Ishida, ipinanganak noong 1977. Master of Science in Accountancy NUCB
Certified Public Tax Accountant at Administrative Scrivener.

Lokasyon ng opisina: Nagoya, Aichi, Japan
Mga kasalukuyang lokasyon ng kliyente: Tokyo, Kanagawa, Aichi, Gujo, Okinawa, Fukuoka. 
Mga lenguaheng nakasuporta: Japanese, English, Chinese, Vietnamese at Tagalog (Visaya)
Rolaine Mae R. Nakashima
“Laine”

Tagalog Contact Number: 052-854-7414
Facebook/Messenger: Laine Nakasima
Email Address: laine@aggressor.jp

友だち追加